Bunsod nito, inatasan ni TESDA Director General Guiling “Gene” Mamondiong ang lahat ng regional, provincial, district directors at TTI administrators ng ahensya na tulungan at big-yan ng kinakailangang pagsasanay o retraining assistance ang mga uuwing OFWs mula sa Kuwait na apektado nang naging direktiba ni Pa-ngulong Duterte na total ban sa pagpapadala ng mga OFWs sa nasabing bansa simula sa darating na Lunes.  

Joven Cagande
Pinauwing OFWs mula Kuwait tutulungan ng TESDA
(Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tutulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang lahat ng mga uuwing overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait sa pamamagitan ng iaalok na libreng pagsasanay sa iba’t ibang technical-vocational (Tech-Voc) courses ng ahensya.

Bunsod nito, inatasan ni TESDA Director General Guiling “Gene” Mamondiong ang lahat ng regional, provincial, district directors at TTI administrators ng ahensya na tulungan at big-yan ng kinakailangang pagsasanay o retraining assistance ang mga uuwing OFWs mula sa Kuwait na apektado nang naging direktiba ni Pa-ngulong Duterte na total ban sa pagpapadala ng mga OFWs sa nasabing bansa simula sa darating na Lunes.

Exempted lamang sa nasabing direktiba ng Pangulo ang mga OFWs na nagbabakasyon sa Pilipinas at babalik din sa parehong  employers para tapusin ang kanilang kontrata matapos ang kanyang bakas-yon; Balik Manggagawa workers na babalik sa Kuwait para sa bagong kontrata sa pareho ding employer; at mga seafarers na bibiyahe patungong Kuwait para sumama sa kanilang mga principals.

Ang aksyon ni Duterte ay resulta ng mga sunud-sunod na insi-dente ng pang-aabuso sa mga Pinoy workers na nauuwi sa kamatayan sa nasabing bansa.

Sa ipinalabas nitong Memorandum #61, binigyan-diin ni Ma­mon­­diong na kaila-ngang i-prio­ritize ang nasabing mga OFWs sa iba’t ibang training programs na iniaalok ng TESDA Technology Institutions (TTIs).

Pinakilos din nito ang mga regional/provincial/district directors at TTIs na hanapin ang mga pinauwing mga manggagawa sa kani-kanilang mga lugar sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para mabigyan sila ng karampatang tulong.

“The beneficiaries shall be entitled to the following: free training; free assessment; training support fund (TSF),” ani Mamondiong sa ipinalabas nitong memo.

Ang TSF ay para sa  pagkain at transportas­yon na nagkakahalaga ng P100 per training day.

Sa tala noong De-cember 2017, umaabot na sa 2,216 OFWs at ang kanilang dependent natulungan na ng TESDA.

Related video:

FILIPINO WORKERS (OFWS) TESDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with