Gatchalian sa mga nagsasagawa ng hazing: Wala na kayong takas
Jacob Molina (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 3:56pm

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian ngayong Miyerkules sa tuluyang pagtigil ng hazing ngayong naipasa na sa Senado ang Senate Bill No. 1662 o ang Anti-Hazing Act of 2018.

“Sa oras na maisabatas ang panukalang ito, tinitiyak ko na wala na kayong palusot na maaari pang gamitin para takasan ang inyong mga maling gawi at pananagutan,” wika ni Gatchalian.

“Kaya ang simple kong panawagan ay sana itigil niyo na yan bago pa mahuli ang lahat sa inyo. Wala na kayong takas sa susunod,” dagdag niya.

Naipasa na nitong Lunes ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magbabawal sa pagsasagawa ng hazing sa sinuman na gustong makapasok sa mga fraternity at sorority.

Layunin ng nasabing panukala na maamyendahan ang Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing Law upang mapalakas ang umiiral na batas at upang kontrolin ang iba pang uri ng initiation rites.

Nauna namang naaprubahan ng Kamara ang sarili nitong bersyon ng panukala noong Enero 22.

Sinabi ni Gatchalian na ngayong lusot na sa Kongreso ang mga bersyon ng anti-hazing bill ay siguradong hihintayin na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang katapusan ng kasalukuyang school year.

“This is an achievement that anti-hazing advocates have long awaited,” wika ng senador.

“Finally, after years of tireless dedication to the cause, we are so close to implementing meaningful legal reforms which will completely prohibit hazing in all its forms and ensure that those who commit hazing – and anyone who would dare conceal or cover-up their crimes – will be held accountable for their crimes before the courts of law,” pagpapatuloy niya.

Isinusulong ang tuluyang pagpapatigil ng hazing matapos ang pagkamatay ng estudyante ng University of Santo Tomas College of Law na si Horacio “Atio” Castillo sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

HAZING
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with