Ito ang mariing babala kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.
Michael Varcas
Pulis na tuwing ’15-30’ lang nagpapakita, sisibakin
(Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sisibakin sa serbisyo ang sinumang pulis na mahuhuling tuwing kinsenas at katapusan ng buwan o tuwing kukuha ng suweldo lamang nagpapakita sa opisina.

Ito ang mariing babala kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.

Ang naging hakba­ngin ni Albayalde ay bunsod sa reklamo laban sa ilang kapulisan na nagpapakita lamang kung kinsenas at katapusan o araw lamang ng suweldo, na  mas kilala sa tawag na “15-30”.

Sinabi ni Albayalde, na paiimbestigahan niya ito at sinumang pulis na mahuhuling mga “15-30” ay mananagot.

Kung saan mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo  at maaari aniya silang masibak sa kanilang serbisyo.

Nabatid pa sa naturang opisyal, na mawawalan ng bonus ang sinumang  pulis  na masususpinde habang iniimbestigahan ang alegasyon dito.

NCRPO PNP
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with