Kahapon nagsampa ng fare hike petition sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Southern Luzon Bus Operators Association, Nagkakaisang Samahan ng Nagagasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas at Samahang Bus Transport Operators ng Pilipinas.
Boy Santos
P3 dagdag pasahe sa bus hirit
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humirit ng P3 dagdag pasahe ang mga pampasaherong aircon at non-aircon bus matapos umanong maapektuhan sa pagpapatupad ng Train Law.

  Kahapon nagsampa ng fare hike petition sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Southern Luzon Bus Operators Association, Nagkakaisang Samahan ng Nagagasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas at  Samahang Bus Transport Operators ng Pilipinas.

 Sa 7-pahinang petisyon ng samahan ng mga bus operators sa Metro Manila at mga probinsiya, binigyang diin nila na ang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo na epekto ng Train Law ang ugat ng fare hike petition gayundin ang pagtaas ng halaga ng spare parts at tumaas na toll fees sa mga expressways sa bansa.

 Nais din nilang madagdagan ng mahigit P3.00 o ang minimum fare na P10  sa  non-airconditioned buses ay nais nilang gawing P13.30 minimum fare at P2.45 para sa bawat kasunod na kilometro.

 Para sa mga air-conditioned buses, city at provincial bus operators, humirit silang maitaas ng mahigit na P3.00 o mula sa P12 minimum fare ay nais gawing P15.95 ang pasahe at dagdag na P2.95  sa bawat kasunod na  kilometro.

 Para sa mga ordinary provincial bus drivers, ang P9 minimum fare sa ordinary bus ay nais nilang gawing P11.95 habang sa mga tsuper ng provincial air-conditioned bus ay nais nilang gawing  P2.15 kada kilometro ang taas pasahe mula sa kasalukuyang P1.60 kada kilometro.

DAGDAG PASAHE LTFRB
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with