Personal na nagsagawa ng briefing si OWWA Administrator Hans Cacdac sa may 300 Pinoy na minaltrato sa Kuwait matapos silang dumating sa NAIA Terminal 1 kasunod ng utos ni Pangulong Duterte na ipagbawal na ang deployment ng mga OFWs sa nasabing bansa. Kuha ni Joven Cagande

Total deployment ban ng OFWs sa Kuwait tuloy na - DOLE
(Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Itinuloy na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang banta ng pamahalaan na hindi na magpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait bunsod ng maraming insidente ng pang-aabuso, pagmamalupit at pagpatay sa mga manggagawang Pinoy.

Kahapon sa inisyung Administrative Order ni Labor Secretary Silvestre Bello III, iniutos nito ang pagpapatupad ng total ban sa deployment ng mga OFWs sa Kuwait.

Kaugnay  nito, anumang araw mula ngayon ay tutungo na sa Kuwait ang binuong Task Force Dimapilis na magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay  ni Joana Dimapilis, ang domestic helper na natagpuang patay sa loob ng freezer na noong isang taon pa hindi nakikita at nababalitaan ng mga kaanak at kaibigan.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Bello na makiki­pag-ugnayan ang Task Force sa Kuwaiti Police upang matukoy kung may ginawang imbestigasyon sa kaso ng Pinay. Kakausapin din ng Task Force ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) kung bakit isang taon pa ang nakalipas bago natuklasan ang pagkamatay ni Joana.

Tiniyak ng kalihim na may mananagot sa sandaling matukoy  na may pagkukulang sa hanay ng mga opisyal ng Pilipinas sa Kuwait. Titingnan din aniya ng team ang posibleng pananagutan ng Kuwaiti Police sa naturang insidente.

Samantala, dumating sa bansa ang dalawang batch na nasa mahigit 300 OFWs na karamihan ay minaltrato at tumakas sa kanilang mga amo sa Kuwait sakay ng magkahiwalay na eroplano kahapon ng umaga.

Ang unang batch na nasa 220 OFWs ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)Terminal 1 lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-669 samantala ang ikalawang batch ay may kabuuang 102 na sakay ng Gulf Airlines flight GF-154.

OFW
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with