Fil-Am Jordan Clarkson makakasama si LeBron sa Cavaliers
Jacob Molina (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 2:22pm

MANILA, Philipines – Tatawid si Filipino-American basketball star Jordan Clarkson mula Los Angeles Lakers papunta sa bakuran ng Cleveland Cavaliers.

Kasama ni Clarkson si Lakers forward Larry Nance Jr. sa paglipat sa Cavaliers kapalit nina Isaiah Thomas at beteranong si Channing Frye.

Halos nakaapat na taon din si Clarkson sa Lakers matapos siyang makuha sa second round ng 2014 rookie draft.

Sa pagpasok ni Clarkson sasandal ang Cavs sa mas batang koponan kung saan nakapagtala siya ng 14.5 points per game sa 45 percent shooting ngayong season.

Matagal nang nais makapaglaro sa Philippine team ng 25-anyos na si Clarkson ngunit mailap ang pagkakataon dahil sa kaniyang schedule sa NBA.

Samantala, bukod kina Clarkson at Nance, nakuha rin ng Cavaliers sina Rodney Hood mula sa Utah at George Hill mula Sacramento sa isang 3-team trade.

Binitawan naman ng 2016 champions ang beteranong si Dwyane Wade na bumalik sa kaniyang dating koponan na Miami Heat.

Kung dati ay ang beteranong si Kobe Bryant ang kasama ni Clarkson sa Lakers, ngayon naman ay makakasama niya si four-time MVP LeBron James.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with