Mismong si PRC Chairman Richard Gordon ang tumanggap ng naturang donasyon mula kina Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, Minister Counselor Kyun Jongho at Chief Economist Mabellene Reynaldo. KJ Rosales

Korean Embassy, nagbigay ng P10M ayuda para sa Mayon evacuees
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaloob ang Korean Embassy ng $200,000 o P10 mil­yong halaga ng suporta sa isinasagawang relief operations ng Philippine National Red Cross (PRC) sa libu-libong residente ng Albay, na napilitang lumikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Mismong si PRC Chairman Richard Gordon ang tumanggap ng naturang donasyon mula kina Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, Minister Counselor Kyun Jongho at Chief Economist Mabellene Reynaldo.

 “This timely donation will not only augment the PRC’s capacity, but is also a great contribution in providing hope to thousands of families affected by Mayon’s volcanic activities. We commend the Korean Embassy for continuously supporting us in our pursuit to alleviate the suffering of the most vulnerable,” pahayag ni Gordon, sa isinagawang simpleng turnover cere­mony para sa ayuda.

Isa ang Korean Embassy sa walang sawang nagkakaloob ng tulong sa bansa sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad.

Noong nakaraang taon ay nagbigay din ng halagang P5 mil­yon ang embahada na pinadaan din sa PRC bilang humanitarian assistance naman sa mga bakwit, na apektado ng kaguluhang naganap sa Marawi City.

Ayon kay Gordon, ang nakuha nilang donasyon ay gagamitin sa mga emergency relief katulad ng hygiene kits at malinis na tubig gayundin ang pagpapagawa ng dagdag na comfort rooms para sa 59 evacuation centers.

Ang PRC ay pa­ngunahing humanita­rian organization sa bansa, na mayroong 103 chapters at dalawang milyong volunteers.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with