PCOO official pinag-sorry ni Pacquiao
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binuweltahan kahapon ni Senator Manny Pacquiao si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Marie Badoy matapos na magkaharap sa Senado at hiniling niya na mag-sorry sa kanya dahil sa isang mapanirang blog noong 2016.

Sa pagdinig kahapon ng Senate committee on public information and mass media na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe tungkol sa mga fake news, ipinaalala ni Pacquiao kay Badoy ang mapanirang blog na isinulat nito tungkol sa diumano’y mistress o “kabit” ng senador.

“I still remember, piniktyuran mo iyong bahay ng tao ko and then sabi mo, this is the house of the mistress of Manny Pacquiao, a Christian,” pahayag ni Pacquiao para kay Badoy.

Sinabi pa ng senador na pinatatawad na niya si Badoy pero nais nitong mag-sorry ang opisyal.

Bago naman humingi ng paumanhin, ipinaliwanag ni Badoy na nasaktan siya sa ginawang pagkukumpara ni Pacquiao sa mga “gays” o bakla sa mga hayop.

Sinabi ni Badoy na masyado siyang nasaktan dahil maraming tao na malapit sa kanyang puso ay mga miyembro ng LGBT o lesbian, gay, bisexual at transgender.

Hiniling ni Pacquiao kay Badoy na tanggalin ang nasabing blog na sinang-ayunan naman ng PCOO official.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with