Bagong SAF chief Taliño magsisimula na ngayon
(Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2018 - 1:43pm

MANILA, Philippines – Pormal nang kikilalanin bilang bagong pinuno ng Philippine National Police Special Action Force (SAF) si Police Director Noli Taliño sa SAF Headquarters, Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Muling pangungunahan ni Taliño ang elite force at tactical support ng PNP na dati na niyang napagsilbihan bilang deputy director noong 2015.

Ang pagbabalik ni Taliño sa SAF ay tila natation sa nalalapit na anibersaryo ng Mamasapano clash kung saan 44 na tauhan nila ang nasawi.

Matapos umalis sa SAF ay natalaga si Taliño sa Human Resource and Doctrine Development sa Camp Crame, Quezon City.

Isa si Taliño sa 12 high ranking officers ng PNP na nakasama sa reshuffle na inutos ni Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Papalitan ni Taliño si outgoing SAF Director Benjamin Lusad.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with