Digong sa AFP, PNP: Barilin ni’yo ko ‘pag sumobra ako sa termino ko
(Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2018 - 10:28am

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Pangulong Rodrigo na hindi siya kapit-tuko sa kapngyarihan matapos hamunin ang mga pulis at sundalo na barilin siya kapag sumobra siya sa anim na taong termino.

Sinabi ito ni Duterte dahil sa agam-agam na gagamitin niya ang Charter change upang mapalawig ang pagkakaupo sa pwesto.

“Kapag ako sumobra sa aking termino, kahit isang araw lang, I am now asking the AFP (Armed Forces of the Philippines) o PNP (Philippine National Police) not to allow me or anybody else to mess with the Constitution,” pahayag ng pangulo kahapon.

“That’s your job, to protect the Constitution and the people. Kapag sumobra ang panahon ko kahit isang araw lang, barilin n’yo ako,” dagdag niya.

Ilang kaalyaldo ng pangulo sa Kongreso ang nagsasabing posibleng mapahaba ang termino ni Duterte kapag naamyendahan na ang 1987 Constitution.

Nauna nang sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez na baka hindi matuloy ang 2019 midterm polls kapag naipatupad na ang federalism.

Nangangamba ang mga nasa oposisyon dahil sa posibleng diktaturya na maganap.

Sinabi ng Palasyo na walang plano si Duterte na manatili sa kapangyarihan pagkatapos ng termino niya sa 2022.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with