“And so for the other airports in the country, I do not want it repeated ever again,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isyu ng nakawan sa mga paliparan. AP Photo/Aaron Favila, File

Digong sa mga nagnakaw sa bagahe ng OFW sa Clark Airport: Patayin mo na lang
AJ Bolando (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 3:48pm

MANILA, Philippines – Napuno na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng mga nawawalang gamit sa bagahe ng mga overseas Filipino workers dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga nagkakarga nito sa paliparan.

Nitong nakaraang linggo lamang ay nakipagpulong si Duterte sa mga opisyal ng paliparan, Deparment of Transportation, Bureau of Customs at sa mismong biktima ng pagnanakaw na sina Jovinal Dela Cruz  Rosemary Verzosa.

Umabot ito sa pangulo matapos mag-viral sa social media ang video ni Dela Cruz sa Clark International Airport na ipinapakita ang binalikan niyang bagahe na wala nang laman.

PANOORIN: Bagahe ng OFW ninakawan ng tauhan ng Clark Airport

“I would demand that there will be justice instantly. Kung sino ‘yung provider, service provider diyan, you terminate the contract and look for another one,” pahayag ni Duterte.

“And so for the other airports in the country, I do not want it repeated ever again,” dagdag niya.

Kaagad namang inimbestigahan ng kompanyang Miascor, ang may hawak sa mga taong nag-aasikaso ng bagahe ng mga pasahero, ang insidente at sinuspinde ang anim na empleyado.

Binayaran din nila ang halaga ng mga nawalang gamit na umabot sa P84,000.

Ayon naman kay Clark International Airport Corp. Acting President Alexander Cauguiran nasampahan na ng kaso ang anim na suspek ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.

“Patayin mo na lang,” sabi ni Duterte. “Kontakin mo na lang ‘yung police dun. Marami ‘yan diyan.”

Humingi naman ng paumanhin ang pangulo kina Dela Cruz at Versoza ngunit nainis nang malaman na nabayaran na sila ng Miascor.

“Ah, p***** i** ‘yung… Hindi ko, hindi ko ‘to --- walang areglo diyan. ‘Pag hindi, parusahan ko kayo. Kung hindi ninyo gawin, ako ang papatay diyan. Isa-salvage ko ‘yan,” wika ni Duterte.

“Sabihin mo talaga ‘yan sa MIASCOR na --- gusto niyo kayo ang pumatay niyan? Kay ‘pag hindi, kayo ang bibirahin ko. Tutal marami na lang rin akong kaso diyan, eh dagdagan ko na lang,” dagdag niya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with