5 ‘tulak’ ng droga tiklo
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang katao kabilang ang dalawang babae na umano’y mga tulak ang nasakote at nakumpiskahan ng aabot sa P150,000 ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang buy bust operation sa Brgy. Payatas, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni  QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo  Eleazar, ang mga nadakip na sina Marife Punzalan, 27, ng Brgy. Commonwealth; Angel Trinidad, 19, ng  Brgy. Payatas; Jeffrey Buenconsejo, 28, ng Montalban; Rizal, Edgar Pelayo, 36, at Mark Anthony Jayme, 30-anyos, kapwa residente ng Brgy. Payatas.

 Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-11:15 ng gabi sa Pampanga St., Group 3, Area B, Brgy. Payatas, QC.

 Isang residente sa lugar ang nagsumbong  sa Batasan Police station 6, tungkol sa pagbebenta ng iligal na droga  ni Punzalan at kanyang kasama na si Trinidad,  kaya naman matapos ang surveillance laban sa dalawa ay nakipag-koordinasyon ang mga pulis sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcemen Agency (PDEA) para sa buy-bust operation.

 Sinabi ni Gen. Eleazar na isang poseur-buyer ang bumili ng halagang P200 halaga ng shabu mula kay Punzalan at Trinidad na nag­resulta ng pagkakadakip ng mga ito.

 Inaresto rin ang tatlong kasamahan ng mga suspek at nahulihan ng iba’t ibang sachet ng shabu na umano’y ‘drug courier’  nina Punzalan at Trinidad.

 Nakumpiska ng mga pulis ang 11 sachets ng droga na nagkakahalaga ng P150,000 at buy-bust money.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with