3 huli sa tong-its, shabu pantaya
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlo katao habang aktong nagsusugal ng tong-its na ang kanilang taya ay shabu sa isinagawang pagsalakay sa isang tahanan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Ruel Dimamaban, 45; Jayric Aclado, 31 at Donel Leano, 30 na pawang residente ng Kalayaan B, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ang tatlo ay nadakip dakong alas-7:30 ng gabi sa  2nd St., Brgy. Batasan habang nagsasagawa ng anti-illegal gambling at illegal drug operation ang mga tauhan ng QCPD station 6.

Ayon kina Sr. Insp. Francisco Lucena at Sandy Caparroso, una silang nakatanggap ng reklamo mula sa mga residente hinggil sa umano’y madalas na nagaganap na pot session sa nasabing lugar kaya isinagawa ang pagsalakay na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Nabawi ng pulisya mula sa tatlo ang isang set na baraha, anim na plastic sachet na naglalaman ng shabu at na bet money.

Sinasabing ‘front’ lang ng mga suspek ang pagsusugal at tunay umano nilang pakay ay gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with