Bam: Anti-dynasty law muna bago Cha-cha
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2018 - 4:47pm

MANILA, Philippines – Nais matiyak ni Sen. Bam Aquino na para sa taumbayan talaga ang isinusulong na Charter change at hindi para sa iilang pulitikong nasa kapangyarihan lamang.

Sinabi ni Aquino sa pagdinig ng Senado sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution na kailangang magtiwala muna ang publiko sa proseso at sa mismong nagsusulong nito.

Dahil dito, iminungkahi ng senador na dapat munang maisabatas ang isang anti-dynasty law bago amyendahan ang Saligang Batas.

“Kailangan ng tiwala ng taumbayan sa proseso at tiwala sa nagsasagawa ng proseso. How do we make sure na para ito sa tao at hindi para sa pulitiko,” wika ni Aquino.

“Intensified political dynasties, even warlordism in some areas might be a drawback of a federal form of government,” dagdag niya.

Aniya makatutulong ang anti-dynasty law para mapalakas ang tiwala ng publiko sa proseso ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sumang-ayon naman si dating Chief Justice Reynato Puno sa panukala ng senador. Ayon kay Puno, ang problema ng political dynasty ay isa sa mga dapat bigyang pansin ng mga nagsusulong ng pederalismo.

“As it is now, these political dynasties already possess so much power. If you go to federalism, you will not only be giving them so much power, but you will be giving them sovereign powers, and that is a no-no,” sabi ni Puno.

Nauna nang tinutulan ni Aquino ang hakbang ng Kamara na gawing Constituent Assembly ang Kongreso.

Nito lamang ay inaprubahan ng Kamara ang Resolution No. 9 na naglalayong gawing Constituent Assembly ang Kongreso na mag-aamyenda sa Saligang Batas.

Naniniwala ang senador na ang mahalagang proseso gaya ng Constitutional Change ay hindi dapat madaliin. Kung kailangan mang baguhin ang Saligang Batas, dapat idaan ito sa Constitutional Convention na mas katanggap-tanggap sa taumbayan kaysa Constituent Assembly na binubuo ng mga pulitiko.

ANTI-DYNASTY LAW
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with