Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala naman siyang balak tumakbo pang muli.
Digong makakatakbo pa sa federal charter
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2018 - 9:39am

MANILA, Philippines — Kung tuluyang maisusulong at maipatutupad ang Federal government, maaaring muling tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapangulo.

“He can run again under a federal Charter,” wika ni Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng House committee on constitutional amendments.

Sinabi ni Mercado na nawawala na ang one-term limit kapag naratipika na ang bagong Saligang Batas.

Sa kabila nito, alam ni Mercado na ayaw nang tumakbo ni Duterte pagkatapos ng kaniyang termino sa 2022.

Sa ilalim ng isinusulong na federal Constitution ni Mercado, magkakaroon ng limang taong termino ang pangulo na maaaring tumakbong muli ng isang beses.

Ang pangulo ang siyang magiging pinuno ng estado, habang ang prime minister ang mamumuno sa gobyerno.

Nitong kamakalawa ng gabi ay lumusot sa Kamara ang constituent assembly bilang paghahanda sa paggawa ng bagong Konstitusyon.

Hindi naman pabor ang Senado rito dahil nais nilang magkaroon ng sariling Charter change at hiwalay na pagboto sa mga isinusulong na amyenda.

Nababahala ang Senado kapag natuloy ang join voting dahil sa kakaunting bilang ng mga senador kumpara sa mga miyembro ng Kamara.

Samantala, nais rin ng mga mambabatas sa mababang kapulungan na mabuwag ang Office of the Vice President gayun din ang Office of the Ombudsman and the Judicial and Bar Council.

CHARTER CHANGE CONSTITUENT ASSEMBLY FEDERALISM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with