Rappler CEO and Executive Editor Maria Ressa gestures during an interview at their office in metropolitan Manila, Philippines on Tuesday, Jan. 16, 2018.
AP/Aaron Favila
NBI iimbestigahan ang Rappler
(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2018 - 7:40pm

MANILA, Philippines — Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang Rappler sa posibleng paglabag ng online news site sa Saligang Batas.

Nilagdaan ni Aguirre ang Department Order 17 ngayong Miyerkules, dalawang araw matapos bawiin ng Securities and Exchange Commission ang certificate of incorporation ng Rappler.

Aalaamin din ng NBI kung may pananagutan ba ang matataas na opisyal ng online news site.

Lumabag umano ang Rappler sa Saligang Batas ang Rappler dahil sa foreign ownership. Iginiit naman ng kompanya na pawang mga Pilipino ang may-ari ng media company.

Itinaggi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nasa likod ng desisyon ng SEC.

“We never had the hand and I don’t give a s*** if you continue or not continue with your network... we never had the hand, except those people who have been attacking us below the belt,” pahayag ni Duterte kahapon.

Isa ang Rappler sa nababatikos ng pangulo dahil sa umano’y pagpapakalat ng mga maling balita. 

RAPPLER SEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with