48 foreign terrorists nasa Mindanao – Army
(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2018 - 3:47pm

MANILA, Philippines — Nasa 48 na foreign terrorists ang nasa bansa at kasalukuyang nangangalap ng mga bagong kasapi sa Mindanao, ayon sa militar ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines deputy chief of staff for Intelligence Maj. Gen. Fernando Trinidad sa Korte Suprema na nagpapanggap na turista at negosyante ang mga terorista.

Ito ang inilahad ni Trinidad sa oral arguments sa mataas na hukuman para sa pagpapalawig ng martial law.

Aniya, nitong Nobyembre ay 15 terorista mula Indonesia at Malaysia ang nagtungo sa Mindanao upang ayudahan ang Maute terror group sa Sarangani. Nasundan pa ito ng 16 na Indonesian nitong Disyembre na nagsanay sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Basilan at Maute Group sa Lanao del Sur.

Sinabi pa ni Trinidad na ngayong buwan lamang ay isang Egyptian ang naiulat na pumasok ng bansa.

"Abu Sayyaf groups, in the presence of remnants, supporters, protectors and sympathizers of DAESH pose a clear and present danger to national facilitation of rehabilitation, recovery and reconstruction in Marawi, and hinder peace in Mindanao," sabi ni Trinidad.

Umapela si Trinidad sa mga hukom na paboran ang martial law extension na aniya’y malaking bagay upang mapabilis din ang pagsasaayos sa Mindanao.

Apat na petisyon ang inihain sa Korte Suprema na kumukwestyon sa hiling ni Duterte na isailalim pa ang Mindanao sa isa pang taong batas militar.

Related video:

ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with