Tiamzons pinababalik na sa kulungan
(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2018 - 1:03pm

MANILA, Philippines — Wala nang dahilan upang manatili sa pansamantalang kalayaan ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, ayon sa Manila Regional Trial Court (RTC).

Inutos ni Manila RTC Branch 32 Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ang pagpapabalik sa kulungan ng umano’y communist leaders na mag-asawang Tiamzon matapos iurong ang usaping pangkapayapaan.

"In light of President Rodrigo Duterte's express and categorical declaration, with the issuance of Proclamation No. 360, formally terminating the peace talks with the Communist Party of the Philippines/New People's Army/National Democratic Front, which issuance said accused does not dispute, the Court finds no reason to further allow their temporary liberty,"  sabi ng korte.

Kinansela rin ng korte ang bail bond ng mga Tiamzon na P100,000 at nailabas na rin ang arrest warrant laban sa mag-asawa.

Nakapagpiyansa ang mga Tiamzon nitong Agosto 2016 upang makadalo sila sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines.

Nitong Nobyembre 2017 ay winakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa mga komunista at sumunod na buwan nito ay idineklara niyang terorista ang New People’s Army.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES NATIONAL DEMOCRATIC FRONT NEW PEOPLE'S ARMY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with