Eroplano sumadsad sa putikan
Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumadsad ang isang eroplanong Gulfstream G200 model jet na may sakay na anim na pasahero matapos mabalahaw sa maputik na  bahagi ng  Bicol International Airport sa Alobo, Daraga, Albay, kahapon.

Batay sa inisyal na ulat na nakarating sa tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) lumapag ang eroplano na mayroong registry numbers RPC280 sa Alobo airport dakong alas- 11:32 ng umaga.

Nabatid na sumadsad ang eroplano sa madamo at putikang bahagi ng paliparan ilang metro ang layo sa runway.Sinasabing ang sumadsad na eroplano ay chartered flight ng Bangko Sentral ng Pilipinas para magdala ng pera patungo sa isang sangay nito (Central Bank) sa Legaspi City.

Napag-alaman sa CAAP na nagpadala ng Aircraft Accident Investigation team para alamin ang sanhi ng aksidente.

Wala namang napaulat na nasaktan mula sa lulan nitong anim na pasahero.

CAAP GULFSTREAM G200
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with