Mocha Uson Blog mobile app na
(Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2018 - 1:43pm

MANILA, Philippines – Ang blog ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson isa na ring mobile application.

Ang Mocha Uson Blog ay maaari na rin mai-download bilang isang Android App sa Google Play.

Ilan sa mga maaring gawin dito ay mag-post ng text, picture o video. Bukod dito, mayroon din ang nasabing app ng Mocha TV, DDS Podcast, OFW Help at iba pa.

Sumikat bilang isang Facebook page sa kasagsagan ng kampanya noong 2016, nakilala ang Mocha Uson Blog dahil sa pagsuporta nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilang beses naging kontrobersyal ang nasabing blog ni Uson dahil sa ilang mga fake news na pinakalat nito.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 10,000 na ang nag-install ng nasabing app na ginawa ng Cloud Panda PH Inc.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with