Sikyu, magsasaka nag-suicide
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

CAMP NAKAR, Lucena City  , Philippines  —   Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang dalawang lalaki sa naganap na magkahiwalay na suicide dalawang bayan sa lalawigan ng Quezon noong Martes ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni Quezon police Director P/Senior Supt. Roderick Armamento, naitala ang unang insidente ng suicide sa Barangay Concepcion, bayan ng Mauban, Quezon.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng sikyu na si Christopher Canete, 20; at kanyang nobya hanggang sa magbanta ang una na magpapatiwakal kapag umalis sa bahay ang babae.

Umakyat sa pader ang biktima saka ipinulupot ang lubid sa leeg saka itinali sa bigang kahoy ng bahay at tumalon.

Idineklarang patay sa ospital si Canete at iniwang tulala ang nobya na hindi inakalang sa loob ng ilang minutong pakikipagtalo ay nawala ang kasintahan.

Samantala, pinaniniwalaang depresyon naman dahil sa kinakaharap na kasong paglabag sa RA 7610 ang sinasabing nagtulak upang magbigti ang biktimang si Eliseo Floralde, 62 , may- asawa, ng Sitio Bukal, Barangay Kinatakutan sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa pulisya, umalis sa kanilang bahay ang biktima upang magpastol ng kalabaw subalit hindi na nakabalik hanggang sa matagpuan itong walang buhay na nakabitin sa punungkahoy.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with