Pasyente nagwala sa ospital
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  — Nagwala ang 46-anyos na pasyente na hindi pinayagang makauwi kahapon ng umaga makaraang pagbabasagin ang mga mamahaling kagamitan sa loob ng Veterans Regional Hospital sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang pasyente na si Arnel Monteclaro, tubong Gamu, Isabela at pansamantang naninirahan sa bayan ng Solano.

Sa inisyal na ulat, nagpupumilit na umuwi si Monteclaro at makalabas sa Veterans Regional Hospital subalit hindi siya pinayagan dahil sa under observation pa umano ito sanhi ng mga pinsala sa katawan na natamo sa kanyang pagkakabugbog noong Disyembre 31.

Dakong alas-5 ng umaga, biglang sinapian umano ng kakaibang espiritu si Monteclaro saka pinagbabasag ang lahat na nakitang kagamitan sa loob ng operating room.

Nagdulot naman ito ng matinding takot sa ibang pasyente sa ospital kaya tumawag na ng pulis ang mga tauhan ng VRH matapos hindi magpaawat sa mga security guard.

Umabot naman sa mahigit isang oras ang ginugol ng Bayombong PNP bago nakumbinse ang suspek na tumalima matapos umakyat sa kisame sa ikatlong palapag ng nasabing ospital.

Ayon sa pamunuan ng VRH, kinakailangan pa umanong obserbahan si Monteclaro bago ito payagang lumabas subalit hindi nila inaasahan ang bayolenteng reaksyon ng pasyente.

Tinatayang umaabot sa P150, 000 halaga ng ari-arian sa operating room ang nawasak ng suspek na kasalukuyan ay binabantayan ng mga pulis at security guard sa isolated room ng VRH.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with