Ayon kay Roque, alam ng Pangulo ang kontro­bersyal na magarbong Christmas party ng PCSO na ginastusan umano ng P6 milyon. File

Sisibaking opisyal ‘di taga-PCSO - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi manggagaling sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang opisyal na nakatakdang tanggalin sa puwesto ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Roque, alam ng Pangulo ang kontro­bersyal na magarbong Christmas party ng PCSO na ginastusan umano ng P6 milyon.

Pero pareho raw na pinagkakatiwalaan ng Pangulo sina PCSO General Manager Alexander Balutan at nag-aakusa sa kontrobersiya na si PCSO Director Sandra Cam kaya hindi sa PCSO manggagaling ang ite-terminate na opisyal.

Kahapon ay umatras ang Palasyo at ipinagpaliban ang pag-anunsyo kung sino ang opisyal ng gobyerno na sisibakin ni Pangulong Duterte.

Ikinatwiran ni Roque na hihintayin lamang ang black and white na dokumento bago ito ianunsyo, bukod sa hindi pa naabisuhan ang nasabing opisyal sa naging desisyon ng Chief Executive.

Kaya naging palaisipan kung sino ang gov’t official na posibleng tanggalin ni Pangulong Duterte kung saan ang pinakahuling mga idinulog na reklamo sa Office of the President ay ang junket umano ni Maritime Industry Authority (Marina) administrator Marcial Amaro III at ang umano’y maluhong Christmas party ng PCSO.

Magugunita na naunang sinibak ng Pangulo dahil din sa junket sina dating Dangerous Drugs Board chairman Dionisio Santiago, PCUP chairman Terry Ridon at DAP president Elba Cruz.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with