Si Pimentel ang kasalukuyang presidente ng ruling party na PDP-Laban kung saan si Duterte naman ang chairman ng partido. STAR, File

Term extension kay Digong
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

‘Pag naaprub ang Federalism

MANILA, Philippines — Maaaring lumawig ang termino ni Pangulong Duterte kung pahihintulutan sa ‘transitory provision’ sa isinusulong na federalism form of go­vernment.

“Depend on the transitory provisions. And depends too on when we approve the new constitution. If 2019 then the next three years will be the transitory period. We can extend the president’s term 1. If really necessary and 2. If he is amenable to it and 3. Since that extension will be part of the new constitution, the new constitution is approved by the people,” sabi ni Senate President Koko Pimentel.

Si Pimentel ang kasalukuyang presidente ng ruling party na PDP-Laban kung saan si Duterte naman ang chairman ng partido.

Kung hindi mababago ang Konstitusyon at ang porma ng gobyerno, magtatapos sa 2022 ang termino ni Duterte.

Ipinunto pa ni Pimentel na ang tanging layunin ay ang federalismo at hindi ang pagpapalawig ng termino ng Pangulo.

“The objective is fede­ralism. That’s all,” ani Pimentel.

Nilinaw din ni Pimentel na hindi “consequence” ng federalism ang posibleng ekstensiyon ng termino ni Duterte.

Nauna ng sinabi ni Pimentel na nais ng PDP-Laban na magkaroon ng isang kakaibang uri ng federalism para sa mga Filipino.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with