2019 midterm elections posibleng hindi matuloy – Alvarez
(Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 2:17pm

MANILA, Philippines — Maaaring hindi matuloy ang 2019 midterm elections kapag naging federal parliamentary na ang gobyerno ng Pilipinas, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

"May transitory provision nakalagay doon na 'yung mga elected officials na mag-expire 'yung term, kung kailan sila due for elections... depende talaga 'yan kung ano 'yung pagkakasunduan doon sa Constituent Assembly," paliwanag ni Alvarez sa ANC Headstart.

Aniya kinakailangan ng transition government kapag tuluyang naaprubahan sa Mayo ang pagpapatupad ng federalismo.

"Let’s be practical. 'Pag nag-shift ka into a different form of government – unitary to a federal you need a transition government. Hindi pwede basta inapurabahan mo ng Mayo implement mo kaagad 'yan," dagdag niya.

Kinontra naman ito ni presidential spokesperson Harry Roque at sinabing matutuloy ang eleksyon maliban na lamang kung aamyendahan ang Saligang Batas.

Sinabi naman ni Senate President Aquilino Pimentel III na maaaring mapalawig pa ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag natuloy ang pagpapalit ng klase ng gobyerno.

Kung hindi nga matutuloy ang midterm elections, ang 12 senador na matatapos na sa 2019 ay maaaring makaupo hanggang 2022.

Para kay Alvarez, nais niya na sabay-sabay matapos ang mgga senador sa 2022.

"Siguro mas maganda 'pag pina-expire mo lahat sa 2022 para wala ka nang utang so expired lahat ng term," patuloy ng House Speaker.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with