Zero casualty sa stray bullet
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Zero casualty o walang nasawi sa ligaw na bala sa pagdiriwang ng kapaskuhan at Bagong Taon habang nasa 26 katao ang nasakote sa illegal discharge of firearms o walang habas na pagpapaputok ng baril.

“I am happy to announce that the PNP recorded a zero casualty  on stray bullet incident  and an all time low record in firecracker  injuries in our campaign for a peaceful and safer celebration of the holiday season under Ligtas Paskuhan 2017,” pahayag ni PNP Chief P/Director Gen. Ronald dela Rosa.

Sinabi ni dela Rosa na 68% na mababa ang bilang ng mga nasugatan sa paputok sa taong ito kumpara noong 2016.

Samantala sa 26 kataong nasakote sa illegal discharge of firearms, 20 ang sibilyan, apat na PNP at dalawa mula sa AFP.

Nasa 74 naman ang naaresto sa illegal possession of firecrackers.

Inihayag ni dela Rosa na malaki ang naitulong ng Executive Order (EO) 28 ni Pangulong Duterte sa pagtatalaga ng 3,495 community fireworks display zone, pagiging vigilante ng mga tao laban sa indiscriminate firing, 100% deployment ng kapulisan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon at pinaigting na kampanya laban sa paggawa at pagbebenta ng bawal na paputok para sa mapayapang pagdiriwang ng nasabing mga okasyon. 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with