Sen. Win Gatchalian at Sen. JV Ejercito. Facebook/WinGatchalian74

Ejercito ipinagtanggol si Gatchalian: Nasasaktan din kami
(Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakahanap ng kakampi si Sen. Win Gatchalian sa kapwa niya Sen. JV Ejercito kaugna ng kaniyang pamamatol at pagmumura sa social media.

Sinabi ni Ejercito na tao lamang silang mga opisyal ng gobyerno at naaapektuhan at nasasaktan din sila.

“In the incident involving my Co-Seatmate Sen. @stgatchalian, goes to show that we are also human, we get hurt & affected too,” pahayag ni Ejercito sa kaniyang Twitter account.

“What is scary is if we public servants become immune from bashing & attacks from rabid haters, then we become insensitive & are like political robots,” dagdag niya.

Tinawag na gago at ulol ni Gatchalian ang ilang netizen na tinawag siyang trapo nang batikusin niya ang nakaraang administrasyon ni Aquino.

Sinabi ni Gatchalian na “the nation already lost its soul in the last 6 years.”

Pero ilang netizen ang naghukay ng kaniyang mga papuri noong si dating Pangulong Benigno Aquino III pa ang nakaupo sa pwesto.

Pinabulaanan naman ni Gatchalian na na-hack ang kaniyang account at inamin niya na siya mismo ang sumasagot sa mga netizen.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with