BIlang ng mga biktima ng paputok bumaba – DOH
(Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2018 - 12:11pm

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Health Secretary Francisco Duque III ngayong Lunes ang malaking pagbaba ng bilang ng mga nasugatan dulot ng pagpapaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nasa 191 firecracker-related ang naitala ng Department of Health mula Disyembre 21 hanggang Enero 1.

Mas mababa ito ng 68 percent kumpara sa kaparehong panahon sa pagsalubong ng 2017.

Karamihan ng mga naputukan ay mula sa National Capital Region na 115, kung saan 63 dito ay mula sa lungsod ng Maynila, habang 14 sa Quezon City at 11 sa Pasig City.

Umabot naman ng pitong katao ang naputulan ng bahagi ng kanilang katawan, habang 25 ang naapektuhan ang mata.

Muli namang nanguna ang Piccolo sa dahilan ng pagkakasugat sa 94, habang 14 sa kwitis, habang siyam sa boga.

“The DOH is grateful for the strong cooperation of our local government units and other government agencies for this success,” sabi ni Duque.

Ipinagbawal na sa buong bansa ang paggamit ng malalakas na paputok sa bisa ng Executive Order 28 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with