^

Bansa

Budget ng DRMMC taasan - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng mapaminsalang delubyo ng magkasunod na bagyong “Urduja” at “Vinta” sa Eastern Visayas at maging sa ilang bahagi ng Mindanao, hiniling kahapon ni Lone District Iligan City Rep. Frederick Siao kay Department of Budget Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na taasan ang pondo ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC), ang ahensyang nanga­ngasiwa sa kalamidad.

Sinabi ni Siao na mag-uumpisa na ang 2019 budget cycle sa Enero o Pebrero ng susunod na taon kaya mahalagang matutukan ang pagpopondo sa pangunahing ahensya na tumutulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ito’y sa gitna na rin ng matinding epekto ng bagyong Urduja partikular na sa Eastern Visayas na nag-iwan ng 56 kataong patay habang ang Vinta na nanalasa naman sa Region 10 at Western Mindanao ay nasa mahigit 80 katao na ang sinasabing nasawi na posibleng tumaas pa sa 90.

“I now ask Secretary Diok­no to include more funding in the 2019 budget for disaster risk reduction and management, particularly for 4th, 5th, and 6th class municipalities—the most vulnerable and weakest in terms of DRRM,” punto ni Siao.

Sinabi ng Kongresista na karaniwan nang nasasalanta ng delubyo ng malalakas na bagyong tulad nina Urduja at Vinta ay ang mahihirap na bayan na malapit sa mga ilog at baybaying dagat kung saan maraming residente ang nanganganib ang buhay.

“A DRRM capacity building program for these high risks LGUs and developed by both the DBM and NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) would be the appropriate solution and prevention,” anang solon.

Si Siao ay isa sa mga may akda ng House Bill 1648 na naglalayong lumikha ng NDRRM Authority na isa sa 10 mga panukalang batas na nakabimbin sa Kamara.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with