Mass murder, plunder vs Noy, Garin sa Dengvaxia deal
(Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2017 - 5:03am

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong mass murder at plunder sina dating Pangulo Benigno Aquino III at dating health secretary Janette Garin kaugnay ng kontrobersyal na P3.5 bilyon dengue immunization program.

Inihain ni dating Education and Skills Development chief Augusto Syjuco Jr. ang reklamo sa Office of the Ombudsman ngayong Biyernes.

Aniya “Illegal, unjust, improper, inefficient, life-threatening and outright unconscionable” ang naturang programa.

“Its life-threatening effects supposedly transpire 30 months after inoculation which is now fast approaching since Aquino [who is] irresponsible, demented started its dreaded and reckless usage on 733,000 nine-year-olds and older as human ‘guinea pigs,’” sabi ni Syjuco.

Dumalo kahapon sa pagdinig ng Senado si Aquino upang depensahan ang pagbili ng Dengvaxia vaccine sa manufacturer na Sanofi Pasteur at pagbabakuna nito sa higit 700,000 Pilipino.

“Bago nagdesisyon ang gobyerno sa Dengvaxia, habang nagdedesisyon, pagkatapos magdesisyon at hanggang sa ngayon, walang naparating sa akin ng pagtutol sa bakuna,” depensa ng dating pangulo.

“Kung 'di lumabas itong sinabi ng Sanofi, at nagdesisyon akong hayaan na lang na magdusa pa ang mga boss ko, gayong may bakuna na, palagay ko ngayon, iba ang tanong ninyo at asunto sakin: 'Bakit mo pinabayaan ang Pilipino?'”

Tinawag din ni Syjuco ang Dengvaxia mess bilang “Mamasapano” ng health sector.

Dati nang kinasuhan ni Syjuco si Aquino dahil sa madugong Mamasapano operation na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force.

Inamin niya noon na wala siyang ebidensya maliban sa mga ulat sa pahayagan.

Inirekomenda rin ng abogadong si Ferdinand Topacio ang pagsasampa ng kasong plunder laban kina Aquino, Garin at dating budget chief Butch Abad.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with