Subway terror attack sa NY: 56K Pinoy pinag-iingat
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang may mahigit 56,000 Pinoy sa New York City matapos ang bigong terror attack sa panguna­hing transportation hub sa Manhattan na ikinasugat ng apat katao kamakalawa.

Sa inilabas na kalatas ng DFA, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na dapat na manatiling mapagbantay sa kanilang paligid at mag-ingat ang mga Pinoy sa naturang lugar kasunod ng sinasabing hindi matagumpay na pag-atake ng mga terorista sa isang subway sa Manhattan malapit sa pamosong Times Square sa NYC.

Sa ulat ni Consul Ge­neral Maria Teresa Dizon de Vega, walang Pinoy na kabilang sa mga nasu­gatan sa pagsabog.

Sa ulat, nakapasok nang hindi napapansin ang isang sinasabing suicide bomber na tagasuporta ng Islamic State extremists sa Port Authority Bus Terminal sa Manhattan na naka-strap na crude pipe bomb sa katawan at saka pinasabog ang device habang maraming tao sa subway at kasagsagan ng rush hour nitong Lunes.

Malubha ang suspek na nakilalang si Akayed Ullah, 27-anyos, isang Bangladeshi immigrant at dating taxi driver, na kabilang sa apat na nasugatan sa pagsabog kasama na ang isang umano’y pulis na kapwa nagtamo ng mga sunog at sugat sa katawan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with