Dengvaxia hindi minadali, walang katiwalian – Garin
(Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2017 - 4:03am

MANILA, Philippines – Iginiit ni dating Health Secretary Janette Garin ngayong Lunes na minadali ang pagbili at pagpapatupad ng Dengue vaccination program na nababalot ngayon ng kontrobersya.

"Wala po itong corruption, wala itong pinaghahangad na pagmamadali dahil matagal na pong pinaguusapan ang dengue," pahayag ni Garin bago magsimula ang imbestigasyon ng Senado.

Sinabi ni Garin na dumaan ito sa tamang proseso at mapatutunayan nila ito.

“It’s not a midnight deal. Everything was above board. The integrity management committee report of the DOH [Department of Health] will show that,” dagdag niya.

Gumastos ang gobyerno ng P3.5 bilyon para bumili ng bakuna kontra dengue na Dengvaxia sa French pharmaceutical company Sanofi Pasteur.

Sinimulan ang pagbabakuna sa higit 700,000 Pilipino noong Abril 2016 sa ilalim pa ng administrasyon ni dating Pangulo Benigno Aquino III.

Nitong nakaraang buwan lamang ay inamin ng Sanofi ang dalang panganib ng Dengvaxia sa mga naturukan nito na hindi pa nagkakaroon ng dengue na maaaring magkaroon ng severe dengue.

“We decided based on the data available at the time with the desire to fight dengue,” paliwanag ni Garin na sinabing “institutional decision” ang pagbili ng Dengavaxia.

Ipinatigil na ng Food and Drug Administration ang paggamit ng naturang dengue vaccine habang iniimbestigahan ang pagpapatupad nito.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with