P900M ‘Tokhang fund’ ng PNP inilaan sa pabahay ng pulis, sundalo
(Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2017 - 3:46am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang tinanggal ang P900 milyong pondo ng Philippine National Police para sa kanilang Oplan Tokhang kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga.

Sa bicameral conference ay napagkasunduan na ilagak na lamang ang tinanggal na pondo para sa pabahay ng mga pulis at sundalo.

“We kept the Senate proposal to realign this money to housing. But we will try to give the PNP additional funds for its police stations throughout the country,” paliwanag ni appropriations committee chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles.

Kung tinanggalan ng anti-drug operations fund ang PNP, pinalaki naman ng bicam ang pondo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nananatiling lead agency ng gobyerno sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Sa kabila ng pagkakatanggal ng Tokhang fund ay lumaki pa rin naman ang pondo ng pulisya na nadagdagan ng P800 milyon upang maging P132.1 bilyon ang kanilang magagamit sa 2018.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with