733-libo naturukan ng Dengvaxia, pinalalantad
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Hinihimok ngayon ni Health advocate Dr. Anthony Leachon na lumantad ang kabuuang 733,000 na magulang ng mga batang mag-aaral na naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia

Si Leachon ang siyang dating pangulo ng Philippine College of Physicians Foundation ay nagsabing dapat magtungo ang mga magulang ng mga nabakunahan sa tanggapan Volunteer’s Against Crime and Corruption (VACC).

Ayon kay Leachon, kung sakaling mangyari ang kanyang kinatatakulan na posibleng masamang epekto ng nasabing bakuna, agad silang matulungan ng VACC para sa susunod na hakbang partikular kung nais nilang magsulong ng mass action o kaya’y demanda.

Ikinalungkot din nito ang tila pag-downplay ng pamahalaan at mismong ng Sanofi Pasteur sa “severe dengue” na maaaring dumapo sa batang naturukan ng Dengvaxia na hindi pa nagpo-positibo o tinatamaan ng dengue.

 Ipinaliwanag ni Leachon na ang worst case scenario ay ang mga batang zero negative na nabakunahan ng Dengvaxia ay maaring magkaroon ng severe na dengue sa susunod na tatlo hanggang 5 taon matapos maturukan.

Nabatid na ang kabuuang 733,000 kabataan estudyante na nabigyan ng bakuha ay mula sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region IV-B, bukod pa ang mahigit 2,000 pulis sa Quezon at kanilang pamilya na nag-avail sa libreng Dengvaxia vaccine.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with