Bautista ipapa-subpoena ng Senado
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Ipapa-subpoena na ng Senado si dating Comelec chairman Andres Bautista matapos hindi na naman sumipot kahapon sa pagdinig ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies.

Iniimbestigahan ng komite ni Sen. Francis Escudero ang diumano’y P1 bilyong tagong yaman ni Bautista na ibinunyag ng kanyang asawang si Patricia.

Kabilang umano sa tagong yaman ni Bautista ang P329 milyong nasa iba’t ibang bank accounts.

Ayon kay Escudero, hihilingin niya kay Senate President Koko Pimentel na magpalabas na ng subpoena laban kay Bautista matapos hindi nagpadala ng paliwanag kung bakit hindi siya nakasipot sa pagdinig.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang komite ni Escudero sa Enero 2018.

Ipinunto ni Escudero ang mga binitiwang salita ni Bautista na magiging bukas sa imbestigasyon kabilang ang kanyang kapatid na si Martin na padadaluhin rin ng komite sa susunod na pagdinig.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with