Ayon kay Aguirre, suportado ito ng napakaraming ebidensiya na magpapatunay ng ilang terroristic activities ng rebeldeng grupo. AP, File

DOJ kumpiyansang papabor ang korte sa deklarasyong terror group ang CPP-NPA
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Tiwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na papaboran ng korte ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang teroristang orga­nisasyon.

Ayon kay Aguirre, suportado ito ng napakaraming ebidensiya na magpapatunay ng ilang terroristic activities ng rebeldeng grupo.

Ito ay sa kabila aniya ng pagpupursige ni Pa­ngulong Duterte na magkaroon ng mapayapang pag-uusap sa CCP-NPA.

Sinabi ni Aguirre na tila walang pakialam ang CPP-NPA sa kampanya ni Pangulong Digong na tapusin na ang pananamantala at karahasan ng mga makakaliwa.

Kasabay nito, umaasa si Aguirre na matatapos na ng national prosecution team ang petisyon hinggil sa paglalagay sa CPP-NPA sa listahan ng terorista at maisusumite na ito sa Lunes, Disyembre 11.

Una nang sinabi ng Palasyo na ang desisyon na ituring na terorista ang CPP-NPA ay nagbunsod sa sunod-sunod mga pag-atake ng grupo na nagiging dahilan ng takot sa publiko.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with