Ito’y matapos pormal nang ideklara ni Pangulong Duterte ang CPP-NPA bilang teroristang organisasyon. Simeon Celi Jr./Presidential Photo, File

Nagpopondo sa CPP-NPA aarestuhin
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Mala­cañang sa mga nagbibigay ng pondo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na aarestuhin din sila bilang kasabwat ng mga terorista.

Ito’y matapos pormal nang ideklara ni Pangulong Duterte ang CPP-NPA bilang teroristang organisasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw na nakapaloob sa Human Security Act at sa United Nations Security Council na ipinagbabawal ang pagbibigay ng pondo sa mga terrorist organizations.

Ayon kay Roque, kasunod ng proklamasyon ni Pangulong Duterte, may kapangyarihan na ang mga law enforcement agencies para habulin at arestuhin ang mga CPP-NPA financiers.

Una ng sinabi ni Pa­ngulong Duterte na kanyang ipapasara ang mga mining companies kung hindi sila titigil sa pagbabayad ng revolutionary tax sa NPA.

Maging ang mga legal fronts ng NPA ay binalaan din ng Pangulo na aarestuhin dahil sila umano ang taga-kolekta ng pera mula sa mga mining companies at iba pang negosyante saka ibinibigay sa mga rebelde.

“Take note of that domestic statute and the UN Security Council prohibits the giving of funds to terrorist organizations, this will be—this will enable law enforcement agencies to run after individuals who will in any way provide financial support to the NPA now that it has been described as a terrorist organization,” pahayag ni Roque.

Kasabay nito, nagbabala rin kahapon si Pangulong Duterte sa mga communist leader na pansamantalang nakalaya na bilang na ang kanilang araw sa laya.

“For those who are out temporarily, you just maybe zero in now, because any day now, I will order for their mass arrest. Wala akong magawa eh. Ginusto ninyo, I’m addressing them to the TV, ginusto ninyo eh,” wika ng Pangulo matapos lagdaan ang Proclamation 374 na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang terrorist group.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with