Nilapitan at binati pa ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang isang masuwerteng pamilya na naaktuhang kumakain sa loob ng Jollibee sa North Harbor, Manila matapos na sorpresang mapadaan at umorder ng pagkain ang prime minister na itinuturing na “rockstar” ngayon ng mga Pinoy sa ASEAN Summit. Jollibee FB photo

Canadian PM Trudeau ‘rockstar’ sa ASEAN
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang taglay na karisma sa mga bata, matanda at lalo na sa mga kababaihan, itinuturing na “rockstar” ngayon ng mga Pinoy sa ASEAN Summit 2017 si Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos na pagkaguluhan sa lahat ng lugar na kanyang mapuntahan.

Nauna nang pinagkaguluhan si Tradeau nang mapadaan upang umorder ng chickenjoy at strawberry float sa Jolibee sa North Harbour sa Manila kung saan “game” na nakipag-selfie sa mga crew, staff at mga kustomers.

Kahapon kasama ni Trudeau si Canadian Ambassador to the Philippines John Holmes upang tingnan ang isang lokal na jeepney sa labas ng Peninsula Manila sa Makati.

Kasunod nito, ininspeksyon ng CanAdian PM ang isang e-jeep na may sakay na isang babaeng person with disability (PWD) na kanya pang kinausap.

Nakipagkita pa si Tru­deau kina  National Council on Disability Affairs Exe­cutive Director Carmen Zubiaga at Phl Transportation Sec. Arthur Tugade sa ginawang inspeksyon sa latest model ng City Optimized Managed Electric Transport (COMET) 3 electric jeepney na maaa­ring magsakay ng PWDs.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with