Sa ulat ng Ukranian Foreign Ministry na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), bukod sa apat na Pinoy ay kasama sa mga kinidnap ng mga pirata ang isang Ukrainian at isang Hungarian national. File

4 Pinoy kinidnap sa Nigeria
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Apat na tripulanteng Pinoy ang kabilang sa anim na crew ng isang German container vessel na dinukot ng mga pirata habang naglalayag sa karagatang sakop ng Nigeria.

Sa ulat ng Ukranian Foreign Ministry na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), bukod sa apat na Pinoy ay kasama sa mga kinidnap ng mga pirata ang isang Ukrainian at isang Hungarian national.

Ayon sa ulat, inatake ng mga armadong pirata ang naturang sinasakyang barko ng mga Pinoy noong Sabado ng madaling-araw habang patungo sa isang pantalan ng Nigeria.

“Six of the crew were taken off the ship and they are now held by kidnappers in Nigeria,” ayon sa tagapagsalita ng kumpan­yang nagmamay-ari ng Peter Doenhle Schffarts KG carrier na sinakyan ng mga tripulante. 

Sumampa umano ang mga armadong pirata sa barko at kinuha ang anim na tripulante habang naiwang ligtas ang kanilang 12 na kasamahan. Walang German national na nadukot o nasaktan sa insidente.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robes­pierre Bolivar, nakiki­pag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa manning agency ng mga tripulanteng Pinoy at sa Nigerian authorities para kumpirmahin ang ulat at masiguro ang kaligtasan ng mga dinukot na Pinoy.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with