Fil-Am senior citizen itinumba sa loob ng taxi
(Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2017 - 6:04am

MANILA, Philippines – Isang 63-anyos na Filipino-American ang pinagbabaril sa loob ng sinasakyang taxi sa Valenzuel City nitong kamakalawa.

Nakilala ang biktimang si Antonio Fermo na residente ng Barangay Marulas.

Ayon sa ulat, nakipagkita ang hindi pa nakikilalang suspek sa bahay ni Fermo bandang alas-2 ng hapon nitong Miyerkules.

Makalipas ang dalawang oras ay sumakay sila ng taxi na minamaneho ni Ferdenand Marcon.

Habang binabaybay ang McArthur Highway sa Brgy. Dalandanan ay biglang pinaputukan ng suspek si Fermo.

Kaagad namang nakatakas ang suspek na sumakay sa isang puting van na nakaabang malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Iniimbestigahan na rin naman ang driver ng taxi.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with