Nagpahatid na ng pakikiramay si Foreign Affairs Secreatry Alan Peter Cayetano sa US government at sa pamilya ng mga naapektuhan sa pamamaril sa Las Vegas Strip. Chase Stevens/Las Vegas Review-Journal via AP, File

Pinoy nasapol ng bala sa Las Vegas shooting
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 59 katao ang nasawi habang 527 pa ang sugatan kabilang ang isang Filipino-American na nakaratay sa intensive care unit (ICU) matapos ang walang habas na pamamaril ng isang 64-anyos na milyonaryong lalaki na mag-isang naka-check in sa Mandalay Bay Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada kamakalawa ng gabi.

Nagpahatid na ng pakikiramay si Foreign Affairs Secreatry Alan Peter Cayetano sa US government at sa pamilya ng mga naapektuhan sa pamamaril sa Las Vegas Strip.

Kinilala ang Fil-Am na si Arthur “Arty” Andrade, 21, laking Nevada na tinamaan ng bala sa tiyan nang ispreyan ng bala ng machine gun ng suspect na si Stephen Paddock, mula sa ika-32 palapag ng Mandalay Bay Hotel ang libu-libong taong nasa ibaba at tapat ng hotel na nagkakasayahan sa kasagsagan ng music festival concert.

Si Andrade ay nasa “double date” sa kanyang girlfriend at mga kaibigan nang maganap ang insidente.

Inaalam pa kung may mga Pinoy pang kasama sa mga casualties.

Sa panghuling report, klinaro ng sherrif na walang kinalaman sa pamamaril ang unang itinuring na “person of interest” na si Marilou Danley, 62 at nobya ni Paddock dahil nasa ibang bansa siya nang maganap ang pamamaril. Hindi rin umano siya isang Pinay dahil nagtataglay siya ng foreign passport taliwas sa unang lumabas na mga ulat dahil sa pagiging Asian looking.

Lumalabas pa na nagbaril sa sarili si Paddock sa kanyang kuwarto sa hotel matapos siyang mamaril at hindi siya napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Nakita ng Las Vegas Metro Police ang maraming armas sa kuwarto at tahanan ni Paddock.

Sa kabila nito, sinabi ng pulisya na hindi maiuugnay si Paddock sa teroristang Islamic State at posibleng nagkaroon ng “psychological problem” matapos makita ng medical history nito na may sakit na “bipolar” at anxiety na posibleng namana niya sa kanyang ama.

Dating nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation ang ama ni Paddock matapos masangkot sa bank robbery noong 1969.

Itinuturing naman ng US ang insidente na pinakamalalang gun attack sa kasaysayan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with