Passport services sa Pampanga, pinalawig
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Upang lalong mapalapit ang serbisyo ng Department of Foreign Affairs-Consular Affairs na nagpoproseso ng mga pasaporte sa publiko, nilagdaan ang isang Memorandum Of Agreement (MOA) sa pagitan ng DFA at North Beacon Commercial Corporation (NBCC) para sa renewal ng pagho-host ng NBCC sa DFA-Regional Consular Office sa Marquee Mall sa Angeles, Pampanga.

Nagsilbing kinatawan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si Undersecretary for Civi­lian Security and Consular Concerns Jose Luis Montales, sa ginanap na paglalagda nitong nakalipas na linggo sa MOA para sa DFA habang si Maria Aurora Legarda, area head ng Ayala Malls/North Malls ang kumatawan para sa NBCC na sinaksihan ng mga opis­yales ng DFA at  NBCC.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Usec. Montales na ang paglalagda sa renewal ng kontrata ay magiging daan upang mabigyan ng magandang consular ser­vices ang mga aplikante ng pasaporte sa Angeles, Pampanga at mga kalapit na lugar nito.

Nagpasalamat naman ni Aurora sa DFA na pagre-renew ng kanilang partnership sa NBCC na magbibigay aniya ng consular services na mas accessible  sa mamamayan ng Pampanga.

“The MOA between the Department of Foreign Affairs and North Beacon Commercial Corporation, which is part of the Ayala Group, provides for the rent-free hosting of DFA’s RCO Angeles by Marquee Mall under a Public-Private Partnership (PPP) model,” ayon sa DFA.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with