^

Bansa

NCRPO handa na sa Sept. 21 rally

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Handa na ang seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa malakihang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa Set­yembre 21 kaugnay sa paggunita ng deklarasyon ng Martial Law.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, bagamat hindi pa niya sigurado ang bilang ng kanyang ipapakalat ng contingencies sa nasabing pagkilos ng mga militanteng grupo ay tiniyak niya na sapat ang bilang ng ipapakalat niyang pulis.

Ito ay upang masiguro na mapapangalagaan ang katahimikan at kaayusan ng isasagawang pagkilos.

Pinaalalahanan naman ng opisyal ang mga magsasagawa ng rally na pairalin ang maayos na pagpapahayag ng kanilang saloobin at iwasan na gumawa ng anumang kaguluhan.

Inaasahan naman ni Albayalde na makikibahagi din sa naturang kilos protesta ang grupo ng mga minorities na Lumad mula sa Quezon City.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with