Vendors nagprotesta vs. Quinta Mkt. mafia
(Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga ma­liliit na vendors sa Maynila ang umano’y ‘sindikato’ sa bagong Quinta Market na sinosolo ng iilan lamang na  maimpluwensyang negosyante.

Ang mga naturang vendors ay biktima ng demolisyon nang simulan ng modernisasyon ng pamilihan.

Ayon sa kay Jerome Pagusan, spokesperson ng Uni­ted Vendors Alliance (UVA), umaapela sila kay Manila Mayor Joseph Estrada na tutukan ang isyu ng Quinta Market kung saan lantarang nilalabag ng sindikato ang Market Code na nagsasaad na isang pamilya lamang dapat ang nabibiyayaan ng isang pwesto. 

Ang mga miyembro ng UVA ay ang mga vendor na nasa labas ng Quinta Market na nagtitinda lamang sa mga bangketa. Ipinahayag nila na kahit pa nga gustuhin nilang magkaroon ng pwesto sa loob ng Quinta Market ay hindi maaari dahil sa sindikato.

Anila, nilalabag umano sa Quinta Market ang Market Code na nagsasaad na dapat ay isang pwesto lamang ang makukuha para sa pagtitindahan ng kada pamilya sa public market. 

Layunin umano ng sindikato ng vendor na huwag magbayad ng tamang renta sa dahilang maaapektuhan ang mga may maraming pwesto.

Dagdag pa ng UVA, ang pananahimik umano ng Manila City Hall at ang pagsuporta ng ilang konsehal sa sindikato ay lalo lamang nagpapalakas ng loob ng sindikato ng Quinta Market na tahasang lumalabag sa Market Code ng siyudad.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with