Supt. Marcos puwede pang ma-promote

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Bukod sa pagkaka­balik sa trabaho bilang OIC ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12, malaki ang posibilidad na mabigyan pa ng promotion si Superintendent Marvin Marcos kahit pa nahaharap ito sa kasong homicide dahil sa pagkamatay ni da­ting Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Panfilo Lacson sa isang panayam matapos ang pagdinig ng Senate committees on public order and dangerous drugs at justice and human rights tungkol sa pagbaba ng kasong murder na kinakaharap ni Marcos sa homicide.

Mula sa Superinten­dent, maaring tumaas umano ang ranggo sa Senior Superintendent.

“If he is not disqualified, then he will be qua­lified for promotion. Entry ang position na yan for Senior Superentendent as Chief PNP mentioned earlier. Nariyan na siya sa position,” sabi ni Lacson.

Kinumpirma ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na ang posisyon ni Marcos ay entry position para sa susunod na ranggo na senior superintendent.

Ipinaliwanag naman ni Lacson na kailangan ng residency requirement na anim na buwan sa isang posisyon.

“We are looking at Senior Superintendent Marcos six months from now dahil ‘yun ang residency requirement sa isang position,” ani Lacson.

Nauna rito, nagpahayag ng pag-aalala si Lacson na maaring maapektuhan ang morale ng pagdisiplina sa hanay ng PNP dahil sa muling pagbabalik ni Marcos sa trabaho sa kabila ng kinakaharap na kaso.

Nininaw naman ni National Police Commission vice chairman Rogelio Casurao na pinapayagan sa batas ang promotion ng isang opisyal kahit pa may kinakaharap itong kaso para matiyak na hindi ito magagamit para i-ha­rass ang opisyal.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with