The Communist Party of the Philippines has directed the New People's Army to carry out offensives across the country. Philstar.com/File photo

Freedom of Information patuloy na isinusulong ng Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Bilang lead agency na inatasan ni Pangulong Duterte, patuloy na isinusulong ng Presidential Communications Office sa pangunguna ni Secretary Martin Andanar ang kapakanan ng media sa Executive Order 2 o Freedom of Information.

Bahagi ng isinusulong na transparency ng Duterte administration ang pagiging bukas ng lahat ng libro o record ng lahat ng government agency hindi lang sa media kundi sa buong sambayanan.

Sa katunayan, kaisa ng mayorya ng mga mamamahayag ang Presidential Communications Operations Office sa pagnanais na maging bukas ang komunikasyon ng media sa mga tanggapan ng gobyerno para sa mga mahahalagang impormasyon para sa mas balanseng pagbabalita.

Maliban sa bukas na access sa mga records ng mga government agencies sa ilalim ng Office of the President, sinabi ni Andanar na mahigpit din ang utos ni Pangulong Duterte sa kaligtasan ng mga mamamahayag dahil naniniwala siya sa malayang pamamahayag o press freedom.

Ayon pa kay Andanar, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng Pre­sidential Task Force against Media killings sa bisa ng Administrative Order No.1 dahil nais ng Pangulo na mabigyan ng hustisya ang mga napaslang at mga naabusong mamamaha­yag sa mga nakalipas na administrasyon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with