Kelot natagpuang nakabigti sa loob ng garahe
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Isang bangkay ng lalaki ang nadiskubreng walang buhay habang nakabigti ang sarili sa loob ng isang garahe sa Barangay  Batasan Hills, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Julius Raz, imbestigador ng Quezon City Police Dstrict-Crminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima na nakilala sa pama­magitan ng police clearance data card na si  Leonardo Gulmatica Jr., 34, pipe pitter, tubong Culasi, Antique at residente ng Purok 4, Luzon Avenue, QC.

Ayon kay Raz, ang biktima ay nadiskubreng nakabi­tin sa kisame ng garahe ng isang bahay na matatagpuan sa may Session Road Talanay Area, Brgy. Batasan Hills,  QC, dakong alas- 2:30 ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) walang nakitang anumang sugat sa katawan  ng biktima maliban sa ligature mark sa kanyang leeg.

Sa kasalukuyan ang bangkay ng biktima ay nasa pangangalaga ngayon ng Pacheco Funeral homes para sa otopsiya. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

NATAGPUANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with