Albay lalahok sa Asia food show
(Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2017 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Philippines - Sasali ang mga Albayano culinary producers, lalo na ang mula sa ikalawang distrito ng lalawigan, sa nalalapit na IFEX Philippines, ang pangunahing exposition sa Asia ng mga katutubong mga luto at sangkap nito na gaganapin sa Mayo 19-21, sa World Trade Center sa Pasay City.

Patuloy na nilalakad ng tanggapan dito ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang pagsali sa naturang food show ng mga food manufacturers ng Albay lalo na yung may mga handa na o export-ready products para lalong mapabilis ang pagpasok nila sa pandaigdigang merkado.

Patuloy na sinusuportahan ni Salceda ang lokal na industriya ng pagkain sa pamamagitan ng Culinaria Albay brand, na pinasimulan niya nang naging siyam na taon siyang gubernador ng Albay. Kinikilalang malaki ang naging papel ng Culinary tourism sa pagsulong ng eknomiya ng kanyang lalawigan.

Ang IFEX Philippines ang pinakamalaking international food exhibition ng Pilipinas kung saan itinatampok ang mga katutubong mga ‘specialty food,’ gulay, prutas, pagkaing mula sa dagat, karne at poultry, ‘beverages, Halal-certified, bakery and confectionery,’ at pati na natural, organiko at iba pang mga produktong pagkain ng bansa at ng Asia.

Ang partisipasyon ng Albay sa IFEX Philippines 2017 ay kasunod ng mga tagumpay ng Culinaria Albay brand sa katatapos na Madrid Fusion food expo nitong nakaraang Abril 6-8 sa SMX Mall of Asia, kung saan ang mga dayuhang mamimili ay nagkaroon ng malaking interes sa mga pagkain Albayano matapos nila itong matikman at manamnam.

Kasunod ng Madrid Fusion Manila food exposition, tatlong international chefs at food writers mula sa Russia, London at Middle East ang nagpaiwan para lalong pag-aralan ang mga pagkain sa Albay at Sorsogon. Ayon kay  Salceda ito ay patunay na sumusulong nga ang kanilang Culinaria Albay.

JOEY SARTE SALCEDA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with