‘Kanto boy ako’ - Bato
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - “Kanto boy ako, isang mabuting kanto boy!”

Ito ang walang pa­subaling sinabi ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato”dela Rosa. 

Ayon kay dela Rosa, kanto boy man siyang naturingan ng kaniyang mga kritiko ay hindi naman lahat ng kanto boy ay masama at ang mga edukado ay mabubuti.

“They can call me kanto boy, it’s true that I was once a kanto boy. Maybe if I did not enter PMA (Philippine Military Academy), I will still be a kanto boy up to now…but remember…not all kanto boys are bad,” ani dela Rosa.

Si dela Rosa ay binanatan ni Drilon kasunod ng hindi nito naibigang ang mga pahayag ng PNP Chief sa nadiskubreng “ secret cell.” sa Manila Police District Station 1 noong nakalipas na linggo kung saan 12 inmates ang nakulong sa anti-drug campaign.

Si Drilon ay binira si dela Rosa na isa umanong kanto boy habang si Sen. Panfilo Lacson na dating PNP Chief ay sinabihan naman na isa itong arogante sa pagdedepensa sa kaniyang mga tauhan.

Una nang sinabi ni dela Rosa na ang importante ay hindi tinorture, hindi minaltrato at hindi kinotongan ang mga inaresto na importante na hindi nakatakas.

“They denied being extorted…they were not harmed or tortured, in fact, they did not stay there for five or 10 days…they did not stay beyond 36 hours,” anang PNP Chief.

Ayon pa sa PNP Chief ay hindi niya kinukunsinte ang kaniyang mga tauhan at sa katunayan ay iniimbestigahan na ang mga ito.

“I don’t tolerate (them), in fact, they were relieved and now facing investigation. If it is established that they violated the laws…then they will have to face the consequences…they have to defend themselves before the court,” ang sabi pa ng PNP Chief.

RONALD “BATO”DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with