^

Bansa

Radio reporter nasalisihan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalansi ng isang magnanakaw ang isang radio reporter makaraang matangay sa kanya ang kita ng kanyang tapsilugan kasama ang suweldo at kanyang bagong cellular phone nang magoyo umano siya ng salaring lalaki, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Walang nagawa kundi ipa-blotter na lamang ang pangyayari ng biktimang si Jovy Lucero, nasa hustong gulang, reporter ng DZME 1530kHz at residente ng Malabon City.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa kanyang tapsilugan sa may Samson Road sa gilid ng Caloocan Police headquarters. 

Ayon kay Lucero, naghahanda na siyang magsara ng tapsilugan nang dumating ang lalaki na umorder ng kape.

Nang ibigay na ni Lucero ang kapeng inorder ay pinabalik-balik umano siya ng salarin para magpadagdag ng asukal o kaya ng kape.  Dito na nakatiyempo ang salarin para makuha ang beltbag ng biktima na nag­lalaman ng P10 libong cash, cellular phone na nagkakahalaga ng P12 libo at mga ID.

Hindi pa umano nauubos ng salarin ang kape ay umalis na ito makaraang makapagbayad.

Sinabi pa ni Lucero na kita umano niya sa tapsilugan at suweldo sa radio ang naturang halaga habang kalalabas pa lamang umano ng cellular phone na kasama sa postpaid package na kinuha ng kanyang anak.

RADIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with